GMA Logo Pepito Manaloto trends on Twitter Philippines
What's on TV

Netizens celebrate 10 years of quality comedy courtesy of 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published May 12, 2020 3:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto trends on Twitter Philippines


Trending sa Twitter last May 9 ang award-winning Kapuso sitcom na 'Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.' Ang ilang netizens, nag-tweet pa na sana ay mapanood sa Netflix ang comedy program na isang dekada nang nagpapasaya sa telebisyon.

Marami ang napa-instant throwback nitong Sabado ng gabi, May 9, nang mapanood nila ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, at na-realize na sampung taon na mula nang unang umeere ang award-winning sitcom.

Matatandaan na napanood ang Book 1 nito noong March 2010. Dito nakilala ng viewers ang isang mahirap na si Pepito (Michael V.) na naging lone winner ng PhP 700 million jackpot sa lotto.

Kinailangan mag-season break ng show noong 2012, pero by September ay ni-relaunch ito, at hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang Pepito Manaloto: Ang Tunay Na Kuwento tuwing Sabado ng gabi.

Nakapasok ang Pepito Manaloto sa Philippine trends list sa Twitter Philippines noong May 9.

Ilang netizens naman ang nagbahagi ng kanilang opinyon kung bakit "best comedy" series ng bansa ang Pepito Manaloto.

Ayon sa tweet ni @EydYow, napansin niya na hindi typical slapstick comedy ang pinapakita ng programa at may character development ang mga bida ng show.

"One of the few comedy shows that have individual character development, hindi nagrerely sa 'hampas dyaryo sa ulo' type of humor, sobrang witty, not cringy, brilliant scripts at hindi pilit ang paginsert ng values. Heart suit"

May netizens din na naniniwalang deserving ito na malagay sa video streaming platform na Netflix.

Kaya huwag kalimutang samahan sina Pepito, Elsa, Chito, Clarissa, at ang kanilang mga kaibigan at kapitbahay tuwing Sabado ng gabi sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.