
May dapat bang ikatakot si Elsa (Manilyn Reynes) sa bago nilang kasambahay na ubod ng sexy?
Pagmumulan pa yata ito ng tampuhan ni Pepito (Michael V.) at ng kanyang misis, dahil nakakapagselos naman ang angking ganda ng bago nilang kasama sa mansyon.
Sultin ang long weekend mga Kapuso at tutukan ang funny scenes at moment ng Manaloto fambam!
Chill tayo sa panonood ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa August 22, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.