GMA Logo Tony Lopena
What's on TV

Tony Lopena, ipinasilip ang "new normal" sa taping ng 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published October 6, 2020 12:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tony Lopena


Kumusta ang taping ni Vincent (Tony Lopena) at ibang empleyado ng PM Mineral Water sa 'Pepito Manaloto?'

Curious ba kayo kung paano ang naging set up sa shoot ng paborito ninyong Kapuso sitcom?

Ipinasilip ng actor-politician na si Tony Lopena sa kanyang YouTube channel ang ilang behind-the-scenes ng new normal taping ng kinabibilangan niyang comedy program na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.

Nakilala si Tony sa flamboyant role niya na si Vincent, isa sa mga empleyado ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water.

Bukod sa stint niya sa award-winning sitcom, isa din siyang municipal councilor sa Calumpit, Bulacan.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng GMA Network.com kay Maureen Larrazabal, matatandaan na ibinahagi rin nito ang ilan sa mga ginawang safety protocols sa Pepito Manaloto, para mapangalagaan ang safety ng buong staff at cast mula sa COVID-19.

Ani Maureen, “Actually very strict ang Pepito Manaloto, when it comes to that because ang Pepito [Manaloto]kasi is like a family, so ang concern talaga nila is the safety of everyone.

“Prior to the taping schedule marami kaming series of Zoom meetings. May mga memos nang inalabas, in-explain nila isa-isa 'yung mga do's and dont's sa tapings to a point na we are all laughing kasi medyo, 'Uy! Nakakapanibago'.”

Heto at samahan natin sa taping ng Pepito Manaloto si Vincent sa video below!

RELATED CONTENT:

John Feir, Mosang, nagbangayan ba nang magkita sa taping ng 'Pepito Manaloto'?

Michael V., dasal ang naging sandigan nang mag-positive sa COVID-19

--