GMA Logo Pepito Manaloto episode
What's on TV

Anu-ano ang exciting new changes sa 'Pepito Manaloto Kuwento Kuwento'?

By Aedrianne Acar
Published October 16, 2020 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode


More funny stories na may kapupulutan ng aral. 'Yan ang dapat abangan sa all-new episodes ng award-winning sitcom na 'Pepito Manaloto!'

Isang maagang pamasko ang handog ng buong cast ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto na magbabagong bihis!

Pero wait lang, ang mga pagbabagong mapapanood niyo sa minahal ninyong sitcom ay tiyak kagigiliwan ninyo, dahil more stores ang ihahatid ng buong Manaloto fambam tuwing Sabado ng gabi.

Ayon kay Pepito Manaloto (Michael V.) exciting ang mga mangyayari sa mga susunod na linggo at buwan sa kanilang show.

Saad niya, “May bago kaming gagawin para sa inyo, Pepito Manaloto Kuwento Kuwento.

“Tuwing Sabado may mapapanood kayong dalawa hanggang apat na kuwento sa isang episode, parang a day in the life of ng bawat isa sa amin.”

Dagdag ng bida nating milyonaryo na mananatili ang commitment ng kanilang programa sa paghahatid ng kuwento na punong-puno ng puso at aral para sa manonood.

“Iba't-ibang characters, iba-ibang kuwento minsan back-to-back, minsan tatlo o apat na kuwento ang mapapanood n'yo. May mahaba, may maikli, pero siguradong marami pa rin kulitan at LOL moments.

“At siyempre laging may puso at aral, dahil gusto namin matuwa ang buong pamilya."

Dagdag pa niya, “Sa panahon ngayon mas kailangan nating tumawa, kaya kahit ilang linggo pa bago mag-Pasko meron na kaming maagang regalo para sa inyo.”

Ginagampanan ni Michael V ang title role na Pepito Manaloto

Sama-sama yayain ang buong pamilya at barangay na manood ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa bago nitong timeslot na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend tuwing Sabado ng gabi, bago ang all-original musical competition sa GMA-7 na The Clash.

Related content:

"Bahala Ka" performance nina Nikki, Chito, at Roxy, aprub sa netizens!

Maureen Larrazabal, sinabing may paghihigpit sa pababalik-taping ng 'Pepito Manaloto'