
Big thumbs up sa netizen ang Instagram video ng versatile actress na si Manilyn Reynes kung saan kasama niya ang aktor na si Gardo Versoza na humahataw sa kantang 'Savage Love' ni Jason Derulo.
Tila naging anthem na ang 'Savage Love' sa maraming TikTok dance videos at hindi nagpahuli ang cast ng Pepito Manaloto na sayawin ito.
From Gardo Versoza's Instagram account
Makikita sa Instagram video ni Mane na kasama niya gumiling sina Gardo, Jake Vargas, at Mikoy Morales.
Umani naman ng papuri ang kulit video na ito ni Manilyn na tuwang tuwa kay Gardo.
Huwag kakalimutan na yayain ang buong family sa Sabado ng gabi para manood ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento at 6:15 PM, pagkatapos ng 24 Oras Weekend at bago ang all-original musical competition na The Clash.
YouLOL: Robert, nakipag-sabayan kay Gardo Versoza na sumayaw ng "cupcake" dance video!
Pepito Manaloto: Viral Tiktok dancer Cupcake delivers Elsa's cupcakes! | YouLOL