
Gusto n'yo bang mabalikan ang moment kung kailan nabago ang buhay nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) nang manalo sila sa lotto?
Puwes, wish granted mga Kapuso, dahil available sa YouLOL comedy channel via YouTube Super Stream for a limited run ang pilot episode ng award-winning at high-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto.
Sa Instagram post ng lead actor na si Michael V., ine-enganyo niya ang mga loyal fans at pati na rin ang hindi pa nakakapanood ng sitcom na i-binge-watch ang kuwento ng kanilang show mula sa simula.
“Due to popular demand, mapapanood na sa @youlolgma via #YouTubeSuperStream ang FULL EPISODES ng #PepitoManaloto!
“Malalaman n'yo na kung saan nagsimula ang tunay na kuwento. And the good news is... IT'S FREE! Pero LIMITED RUN ONLY. So head over to YouTube! Take advantage at subaybayan ang kuwento ni Pepito Manaloto!”
Samantalahin ang pagkakataon na balikan ang ilan sa favorite scenes at memorable moments ng Pepito Manaloto na tumatak sa puso't isip n'yo, mga Kapuso!
At para sa isang ultimate throwback ng kinahuhumalingan ninyong sitcom tuwing Saturday night, balikan ang mga pagbabago ng cast sa loob ng isang dekada sa gallery below!
Pepito Manaloto: Mga naabutan na pagbabago at milestones ng sitcom sa loob ng 10 taon