
Matapos ang ilang buwan na pahinga matapos ipanganak ang kanyang third baby, balik-taping na si Chariz Solomon sa kinabibilangan niyang award-winning sitcom na Pepito Manaloto.
Gumaganap si Chariz bilang Janice sa show na asawa ng bestfriend ni Pepito (Michael V.) na si Patrick Generoso (John Feir)
Base sa Instagram Story ng magaling na comedienne, sumabak na siya sa shooting sa Pepito Manaloto, kung saan nakasama din niya ang Bubble Gang co-star niya na si Faye Lorenzo.
Hindi din naitago ni Chariz ang pagkasabik na makasama uli ang kanyang “beh” sa sitcom na si John Feir.
May espesyal na sorpresa pa si Chariz sa loyal fans ng Pepito Manaloto dahil nag-upload ito ng ilang TikTok dance performance nila ni John.
@chariz_solomon Namiss nyo ba kaming mag-beh? #pepitoManaloto #patrickandJanice #fyp #foryoupage #foryou
♬ original sound - Barry ALLEN 🇵🇭 - Barry ALLEN (THABRADAZ)🇵🇭
@chariz_solomon #pepitoManaloto #patrickandJanice #fyp #foryoupage #foryou
♬ Prrrum Challenge - Ilika Cruz
Mga Kapuso, anu-ano ang favorite moments n'yo nina Patrick at Janice Generoso?
Sa pagdiriwang ng isang dekada ng multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto last 2020, tara at ating balikan ang ilang pagbabago ng mga karakter ng flagship sitcom ng GMA-7 sa nagdaang pahanon.