
Team Nikki (Julie Anne San Jose) o Team Malou (Inah de Belen) man kayo, don't worry dahil may extra kilig surprise ang award-winning sitcom na Pepito Manaloto Kuwento Kuwento isang araw bago ang Valentine's Day!
Sa mga umaasa pa rin na magkabalikan sina Chito (Jake Vargas) at Nikki matapos ang breakup nila noong November 2018, puwes, dapat abangan ninyo ang February 13 episode ng Pepito Manaloto dahil muling mapapanood ang Asia's Pop Diva.
Magpapakilig din sina Jake at real-life girlfriend niya na si Inah na muling gagampanan ang papel ni Malou.
Love is in the air sa sweetastic episode ng Pepito Manaloto Kuwento Kuwento sa darating na Sabado, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa bago nitong oras 6:15 PM sa Sabado Star Power sa gabi.
Samantala, tingnan ang mga pagbabago sa Pepito Manaloto sa loob ng isang dekada:
RELATED CONTENT:
HIGHLIGHTS: Mr. Tiyansing na si Zach
Richard Yap flexes comedy skills on 'Pepito Manaloto'