
Oh, walang iyakan.
May ginawang paglilinaw ang multi-awarded comedian at content creator na si Michael V. sa mangyayari sa flagship GMA-7 sitcom na Pepito Manaloto pagkatapos ng kanilang episode sa darating na Sabado ng gabi, May 29.
Sa isang tweet, binigyang linaw ng creative genius na magkakaroon lamang sila ng season break sa sitcom.
'Yung may time ka mag-comment pero wala kang time MAGBASA. 😂#GMT pic.twitter.com/9bdiUDvM9H
-- 📺 Michael V. GMA 🇵🇭 (@michaelbitoygma) May 27, 2021
Sa pahayag ni Direk Bitoy sa GMANetwork.com noong Martes, May 25, sinabi nito na malaking tulong ang pansamantalang pamamahinga nila sa paggawa ng show para maka-develop sila ng bagong ideas sa oras na sumabak na muli sila sa taping.
Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng season break ang award-winning comedy program.
Matatandaan na umere ang last episode ng Pepito Manaloto noong Marso 2012 at Setyembre ng parehong taon ay bumalik ang sitcom at may title na Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento.
Aniya, “As an actor physically malaki ang maitutulong nitong break na 'to, kasi noong run ng 'Kuwento Kuwento,' hanggang last episode nitong 'Pepito Manaloto,' talagang nakakapagod [laughs]. Physically taxing talaga siya.
“So, malaki ang maitutulong niya bilang pahinga. 'Pag ako normally nagpapahinga, doon lumalabas 'yung mga ideas, so this will be a great time to come up with new ideas, not just for the show. Siguro for other things I can do as an actor.”
Umani ng samu't-saring reaksyon sa mga netizen ang announcement nina Michael V. at Manilyn Reynes ngayong Linggo na magkakaroon ng season break ang kinabibilangan nilang programa.
Viral ang Facebook post ng FNET kung saan inisa-isa niya ang dahilan kung bakit hindi dapat magwakas ang Pepito Manaloto.
May mga nagpahayag din ng kalungkutan sa pansamantalang pagpapahinga ang kanilang favorite program.
Sources: Pepito Manaloto (FB)
Pero marami din ang looking forward na agad sa pagbabalik sa ere ng number one comedy sitcom sa Kapuso Network.
Sources: Pepito Manaloto (FB) and @michaelbitoygma (TW)
Bago ang kanilang season break, balikan kung paano hinarap ng cast at crew ang new normal taping ngayong may pandemya sa gallery below.