
Miss n'yo na bang magkasama ang tambalang Pepito at Elsa ng Pepito Manaloto?
Huwag nang mainip dahil may patikim na sina Michael V. at Manilyn Reynes sa mangyayari sa mga karakter nila sa Pepito Manaloto.
Source: manilynreynes27 (IG)
Sa Facebook post ng multi-awarded comedian, may teaser siya para sa ginagawa nilang prequel ng kuwento nina Pepito at Elsa.
Umani din ng libu-libong likes ang larawan nina Michael V. at Manilyn, na gumanap sa mag-asawang minahal ng mga Kapuso nang mahigit isang dekada.
Sa panayam ni Michael V. bago ang season break ng kanilang sitcom, ibinahagi niya ang ilang detalye tungkol sa hinahandang Pepito Manaloto: Unang Kuwento.
Aniya, “We won't actually call it a next season--it's a transitional season.
“Kasi, this tackles the life of Pepito and Elsa, when they were young.
“Bago pa sila naging sila, dito mae-explore 'yung buhay nila at kung ano 'yung pinagdaanan nila.
“At kung ano 'yung naging values, kung bakit sila ganito ngayon.”
Silipin ang naging new normal taping ng Pepito Manaloto sa gallery below.