GMA Logo Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento
What's on TV

We're back! 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' coming soon

By Aedrianne Acar
Published July 1, 2021 12:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento


Alam namin miss na miss n'yo na sina Pepito at Elsa. Kaya abangan ang simula ng kuwento ng kabataan nila sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento,' soon sa GMA!

Peks man! Mangyayari na ang pinakahihintay ninyong kuwento tungkol sa makulay na buhay ng bida nating milyonaryo na si Pepito at kanyang asawa na si Elsa, sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Pero this time rewind muna tayo at balikan kung paano ba nagsimula ang pag-iibigan nina Pepito at Elsa sa Barangay Caniogan, Bulacan.

Paano ba nabuo ang love story nina Pitoy at Elsa?

Si Elsa nga ba ang first love ni Pepito?

Bakit nahilig sa hotdog si Patrick?

Bibida sa upcoming prequel na ito sina Sef Cadayona at Mikee Quintos na gaganap bilang young Pepito at Elsa.

At makakasama din nila ang hunk na si Kokoy de Santos na gaganap bilang si Patrick. Idagdag mo pa ang kuwelang hatid nina multi-awarded comedienne Pokwang, Gladys Reyes, Archie Alemania, Denise Barbacena at Kristoffer Martin!

Abangan ang lahat nang 'yan at marami pa sa highly-anticipated comeback ng award-winning sitcom na minahal n'yo nang mahigit sa isang dekada.

Tutukan ang simula ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, coming soon sa GMA-7!

Sariwain naman ang ilan sa biggest milestones ng flagship comedy sitcom na Pepito Manaloto sa loob ng 11 taon sa gallery below.