GMA Logo sef cadayona
What's on TV

Sef Cadayona, masuwerte ang pakiramdam sa pagbibidahang 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento'

By Aedrianne Acar
Published July 12, 2021 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

sef cadayona


Abangan si Sef Cadayona, kasama sina Mikee Quintos at Kokoy de Santos, sa pilot episode ng 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kwento' ngayong Sabado, July 17.

Malayo na ang narating ng comedian-dancer na si Sef Cadayona matapos sumali sa fifth season ng StarStruck noong 2009.

Ngayong 2021, isang panibagong hamon ang ibinigay ng ng GMA-7 kay Sef, ang gumanap sa iconic role na Pepito sa sa prequel na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.

Ang nasabing karakter ay ginampanan ng award-winning comedian na si Michael V. ng 11 taon sa mga naunang bersyon ng Pepito Manaloto.

Hindi na nagpatumpik-tumpik si Sef nang matanong ni Betong Sumaya sa Kapuso ArtisTambayan noong July 8 kung nape pressure siya sa big project na ito.

“Sa pressure? Oo," sagot ni Sef.

Dagdag niya, “Kasi, una sa lahat, ang gagampanan nating role dito si Pepito Manaloto, na sa hindi nakakaalam more than 10 years na ang Pepito Manaloto, sobrang tagal na at talagang matibay.

"'Tapos, ipo-portray mo pa 'yung batang Pepito, ipo-portray mo pa si Kuya Bitoy nandoon 'yung pressure.

Biro pa ng binatang comedian, "Sige po, ba-bye po ulit.”

Pepito Manaloto and Kapuso ArtisTambayan FB


Sa kabila ng matinding expectation na mapantayan o 'di kaya mahigitan ang performance ni Michael V., malaki naman ang pasasalamat ni Sef na buhos ang suporta na natatanggap niya para sa prequel ng Pepito Manaloto.

Pagbibida niya, “Ang pressure naman hindi siya mawawala, e, lalo na pagka gustung-gusto mo ibigay 'yung talagang kaya mo para doon.

"For us, malaking bagay, and ako personally, I can say masuwerte ako na ang dami ko pagpupulutan ng advice, ng guide na kung paano gagawin ito, kasi nandiyan sila.

“At willing na willing si Kuya Bitoy at buong team ng Pepito Manaloto na tulungan kami sa kung ano 'yung dapat namin maipakita sa Unang Kuwento, so doon very fortunate kami.”

Pinuri din niya sa live kulitan ng Kapuso ArtisTambayan ang co-stars niya sa sitcom na si Mikee Quintos, na gaganap bilang young Elsa; at si Kokoy de Santos, na gaganap bilang best friend ni Pitoy na si Patrick; sa husay nila sa tuwing sasabak sila sa taping.

Wika ng Bubble Gang star, “And masasabi ko na masaya 'yung buong team, cast and staff, kasi day one pa lang, ang gaan kaagad nilang kasama.

"Siyempre, first-time ko nakatrabaho si Kokoy, 'tapos kami 'yung dikit dito pero magaling, e, ang galing ni Kokoy.”

“Tsaka siyempre, mas madali talaga na ma-portray ko at makuha ko 'yung vibe na kung paano ako naiinis, kinikilig, kasi si Mikee ang galing din.”

Heto ang pasilip sa ilan behind-the-scenes moments ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa kanilang taping sa gallery below.

embed:

Umuwi ng maaga sa darating na July 17 at manood ng pilot episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Sabado Star Power sa gabi, pagkatapos ng 24 Oras Weekend!