What's on TV

Sef Cadayona, tinawag na "once in a lifetime" ang pagganap bilang Pepito

By Aedrianne Acar
Published July 17, 2021 10:00 AM PHT
Updated July 17, 2021 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ahtisa Manalo returns to hometown in Quezon
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Alamin ang buong kuwento ni teenage Pepito (Sef Cadayona) bago siya tumama sa lotto sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.'

Binigyang diin ng komedyanteng si Sef Cadayona ang kanyang pasasalamat sa kanyang mentor at Asian Television awardee na si Michael V. nang makaharap ang entertainment press sa idinaos na virtual media conference para sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento kamakailan.

Aniya, “Very, very, very, very, very, very grateful. Sobrang daming very, pero totoo 'yun.”

Tinawag pa niyang 'once in a lifetime' ang pagganap sa title role na Pepito.

“Una sa lahat, hindi ko naman siya ine-expect, nung dumating din sa aking 'yung opportunity na makapag-audition para sa show ginarab ko na, kasi sabi ko, 'once in a lifetime 'to'. Might as well ibigay ko na lahat ko.”

Source GMA Network

Taos-puso din ang pasasalamat ng StarStruck finalist sa ibinibigay na advice ni Direk Bitoy, when it comes to comedy.

Pasasalamat na ito sa comedy genius, “Isa pa 'yun sa malaking influence kung bakit sobrang saya ko siya pino-portray, ang daming naibibigay na advice sa amin ni Kuya Bitoy, not just for Pepito, but for everything, especially when it comes to comedy na talagang, ako personally, lagi ko siya dini-develop pa bukod pa dun sa naibabahagi sa amin ni Kuya.”

Nagpasalamat din si Sef sa kanyang home network sa tiwala na ibinigay sa kanya na gawin ang malaking project na ito.

Aniya, “Very grateful din ako sa GMA na binigyan talaga ako ng ganitong opportunity,”

Walang tatamis sa unang kilig nina Pepito at Elsa (Mikee Quintos). Yayain ang buong pamilya at panoorin ang pinakahihintay n'yo na grand premiere ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras Weekend.