GMA Logo Pepito Manaloto episode last September 18
What's on TV

Pepito Manaloto: Tommy Diones invades Caniogan!

By Aedrianne Acar
Published September 16, 2021 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto episode last September 18


Paparating na ang friend ng bayan sa 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento!'

Paano ba nagsimula ang pangungutang at pagiging tuso ng friend ng bayan na si Tommy Diones?

Puwes, hindi n'yo dapat palagpasin ang episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, dahil bibisita sa Caniogan si Tommy!

Sa latest episode teaser ng award-winning sitcom, opisyal na ipinakilala na gaganap na younger version ni Tomas Diones ang versatile actor na si Gabby Eigenmann.

Nakilala at napamahal nang husto sa televiewers ang karakter ni Tommy sa Pepito Manaloto na ginampanan ng director-manager na si Ronnie Henares.

Ano kaya ang pakay ni Tommy sa mga magulang nina Pepito (Sef Cadayona) at Patrick (Kokoy de Santos) na sina Mang Benny (Archie Alemania) at Nanay Rosa (Gladys Reyes)?

Speaking of Pepito, mukhang titindi ang pagseselos ni Elsa (Mikee Quintos), dahil moving to the next level na ang relasyon ng ating bida sa “It Girl” na si Judy (Kate Valdez)!

Paano ang naudlot na pagtitinginan nina Pitoy at Elsa?

Mga friend, walang aabsent sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento sa Sabado, September 18, 6:15 pm, sa Sabado Star Power sa Gabi.

Tingnan ang ilan sa viral memes featuring Ronnie Henares as Tommy Diones in the gallery below: