
Malayong-malayo ang tunay na ugali ni Sherilyn Reyes-Tan sa role niya na Tiyang Lena sa high-rating Kapuso sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
Para sa ilang viewers at netizens si Tiyang Lena ay isang "terror tiyahin," pero off-cam, sobrang sweet ni Sherilyn na pinatunayan naman ng Sparkle actress-singer na si Mikee Quintos.
Sa exclusive interview ni Mikee sa GMANetwork.com kahapon, March 2, sinabi nito na madaling lapitan at hingan ng advice ang kanyang "Ate Shey."
Aniya, “Sobrang kabaligtaran niya off-cam.
“Naging close ko agad si Ate Shey (Sherilyn Reyes-Tan), ang sarap niyang kausap. I find myself ranting about my personal life sa kanya and siya din ang ganda ng mga kuwentuhan namin sa mga ganun off cam.”
Dagdag niya, “And sobrang feel na feel ko 'yung pag-'Ate' ko sa kanya, 'Ate Shey,' ganyan ako.'
“Minsan naka-catch ko sarili ko, 'Ay ikukuwento ko 'to sa kanya sa taping'. May mga ganun akong thoughts and naging close ko talaga si Tiyang Lena. She's very open at nabibilib din naman talaga ako, grabe ang taray, 'di ba, pag-take.”
Isa pa sa pinakamagandang qualities ni Sherilyn ayon kay Mikee ay nakakahawa daw ang tawa nito sa tuwing magti-taping sila for Pepito Manaloto.
“Minsan, si Ate Shey isa din 'yun sa mga pinakamabilis tumawa, so minsan siya 'yung 'pag cut na 'pag cut ang lakas ng tawa niya lagi [giggles],” kuwento ni Mikee.
“Sobrang benta si Sef [Cadayona] for her. Pag tumawa na siya, tatawa na ako, mabilis akong mahawa sa kanya 'pag naririnig ko siyang tumawa.”
Check out some behind-the-scenes moments of the cast of Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento in the gallery below.