GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Chito at Clarissa, may problema!

By Aedrianne Acar
Published May 12, 2022 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran's government offers dialogue as protests spread to universities
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban
The fruits to have for Media Noche so you'll attract a prosperous 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


May suliranin ang Manaloto children! Ano itong problema na kinakaharap nina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) na may kinalaman sa pera?

May maririnig ang mga kasambahay nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes) na wala raw matatanggap na mana ang mga anak nila na sina Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi).

Sa oras na malaman ito ng mga bata, iisip sila ng paraan para makatulong sa kanilang mga magulang. Hihingi ng tulong si Clarissa kay Tommy (Ronnie Henares) para kumita ng sarili niyang pera.

Samantalang si Chito, tutulong sa negosyo nila. Pero, mukhang may malaking problema kinakaharap ang kanilang Tatay Pitoy nang marinig niya ito na may kailangan silang isarang opisina.

Tunghayan ang mga mangyayari sa Manaloto fambam sa all-new episode ng Pepito Manaloto: Kuwento Pa More sa Sabado ng gabi May 14, after 24 Oras Weekend!