
Ramdam na ang excitement ng loyal fans ng award-winning at flagship Kapuso sitcom na Pepito Manaloto matapos ibahagi ng show na nagsimula na ang kanilang taping para sa Book 3.
Pinusuan ng fans ang ilan sa behind-the-scenes photos ng taping para sa high-rating comedy show na in-upload sa Facebook.
Makikita na nakapag-tape na sina Michael V. at Manilyn Reynes kasama ang mga anak nila sa sitcom na sina Jake Vargas at Angel Satsumi.
Nakapag-shoot na rin for Book 3 ang paborito nating friend na si Tommy played by Ronnie Henares at ang gumaganap bilang BFF ni Pepito na si John Feir.
May pasilip na rin sa magiging eksena ng seasoned comedienne na si Nova Villa at Jen Rosendahl.
Dagsa naman ang positive comments ng netizens para sa exciting update na ito ng Pepito Manaloto.
For more updates and news about Pepito Manaloto Book 3, visit GMANetwork.com.