
Narinig n'yo na ba ang latest, mga beshy ko?
Ang kulitan kasama ang pamilya nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes), mas maaga na natin makakasama simula ngayong Sabado, July 15.
Tiyak ang best weekend ever n'yo mga Kapuso, dahil ang award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento mapapanood n'yo na sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend!
Kaya huwag nang magpahuli at kami na bahala sa nakaka-'GV' na bonding moments n'yo with the whole family habang pinapanood ang adventures ng Manaloto fambam!
And this Saturday night, abangan ang mangyayaring reunion sa dating high school classmate ni Pitoy na si Brando!
Aba! Ang dating bully sa school, ngayon isa ng cosmetic surgeon at magtatayo ng clinic sa Maynila.
Maging fabulous kaya ang mga susunod na mangyayari, matapos irekomenda ni Pepito kay Roxy (Mikoy Morales) na puwede siya magparetoke kay Brando?
At itong si Patrick (John Feir), raraket sa iba't ibang trabaho para mabili lang ang mamahalin na EZ Boy chair na katulad ng kay Vincent na nagkakahalaga ng Php 100,000. Sulit kaya ang pagod ng mister ni Janice (Chariz Solomon) kapag dumating na ang “dream” purchase niya?
Kayo ang panalo, mga Kapuso sa best episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong July 15 sa oras na 6:15 p.m.
MORE KULIT THROWBACK PHOTOS WITH THE PEPITO MANALOTO CAST: