
Sulit ang break ni Pepito (Michael V.) sa kaniyang CEO duties at mukhang nae-enjoy niya ang trabahao sa Instaburger.
Sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado, magpapakitang gilas ang tatay ni Chito (Jake Vargas) sa mga kasamahan niya sa fast-food burger joint.
AMAZING FACTS ABOUT DIREK BITOY:
Mula sa paglilinis ng resto, hanggang sa pag-aayos kung paano mapapataas ang sales, ginawan ng paraan ang ating bida milyonaryo.
Masyado ba mag-e-enjoy si Pitoy sa Instaburger at tuluyan na niyang makakalimutan ang trabaho niya sa PM Mineral Water?
Tiyak gagalingan ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang paghahatid ng good vibes this August 26 sa oras na 6:15 p.m. pagkatapos 24 Oras Weekend.