GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

Pepito Manaloto: Maid in Norway

By Aedrianne Acar
Published September 7, 2023 6:33 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 2, 2026
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


To the rescue ang Manaloto family kay Barbie!

Mas magiging interesting ang buhay ng ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa kanilang mansyon dahil may bago silang kasambahay, at isa itong foreignay!

Sa next episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this September 9, makikilala ni Elsa (Manilyn Reynes) si Barbie, isang Norwegian vlogger na bumisita sa bansa at nawawalan ng gamit.

Naisip muna ni Elsa na tulungan ang foreignay at patirahin sa kanilang mansyon pansamantala.

Pero, 'tila blessing in disguise ito dahil bukod sa marunong mag-Filipino, magaling din ito sa mga gawaing bahay na perfect timing habang nakabakasyon si Maria.

Pepito Manaloto episode on September 9

Maging smooth-sailing kaya ang mga gawaing bahay sa mansyon sa tulong ni Barbie?

Hindi naman kaya magselos si Elsa na madikit ang mister sa pretty foreignay nilang bisita?

Sumama sa tawanan at manood with the whole family ng all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, ngayong Sabado sa oras na 6:15 PM pagkatapos ng 24 Oras Weekend.