
Tulad ng action-packed episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last weekend, naglalagablab din init ang suporta ng mga viewers sa award-winning sitcom.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings noong November 25, nakakuha ang sitcom ng 11.3 percent kontra sa katapat nitong programa.
Maiipit si Pepito (Michael V.) sa isang delikadong sitwasyon nang mapagkamalan siyang isang kidnapper sa pupuntahang summit.
Lalo pa naging mainit ang mga tagpo ng akalain ng security na dugo ang nasa damit ni Robert (Arthur Solinap) na mantsa lang dulot ng catsup.
Tuloy, mapapasabak sa upakan ang family driver ng Manaloto fambam at security personnel!
Balikan ang mala-action star moves ni Robert sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi.
Robert, doon ka sa far away!
Pepito is in trouble!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Kapag malaki ang tiyan, buntis agad?!
Panic mode si Elsa!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.