
Ramdam ang Christmas spirit sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last weekend, matapos makatanggap ang buong team ng show ng maagang pamasko mula sa televiewers.
Base sa datos ng NUTAM People Ratings noong December 2 nakakuha ang multi-awarded sitcom ng 10.2 percent kontra sa katapat nitong programa.
Last Saturday, 'tila nao-overwhelm ang mag-asawang Elsa (Manilyn Reynes) at Pepito (Michael V.) sa pagde-decorate ng kanilang mansyon bago ang Kapaskuhan.
Nagulat din ang ating bida milyonaryo sa dami ng Christmas tree na gustong ilagay ni Elsa at kahit ang mga lumang décor gusto gamitin lahat, lalo na't may sentimental value raw ito.
Pumayag kaya ang nanay nina Chito at Clarissa sa suggestion ni Pitoy na ipamigay ang ibang dekorasyon sa mga mas higit na ngangailangan.
Can Elsa let it go?
Balikan ang funny episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Elsa at Pitoy, may kakaibang panaginip!
Elsa, hindi maka-let it go ng Christmas tree!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Jacob at Clarissa, hahabol sa breakup season?!
Kapag nangako, hindi dapat mapako!
Tere, nasobrahan na sa pagiging business minded!
Organic soap ni Mimi Kho, natural na natural!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.