
Panalo uli ang paborito n'yo na sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last Saturday night.
Nakakuha ang award-winning show ng 10.8 ratings base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Mukhang nasubukan ang matibay na pagsasama nina Pepito (Michael V.) at Elsa (Manilyn Reynes)
Sumali kasi ang Manaloto couple sa isang deep water swimming lesson, 'yun nga lang, ang instructor ni Pepito (Michael V.) nakakabighani ang ganda at sobrang sexy!
Mag-survive rin kaya ang relasyon nina Pitoy at Elsa o makakatikim ng malutong palo ang ating bida milyonaryo sa nagse-selos niyang misis?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
Pitoy, ang lifeguard ng sexy chicks!
Elsa at Pepito, SISIRAN ang bagong libangan!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
Mara, ipinagkanulo na ang manggagantsong jowa!
Jacob, pagod nang ma-baby!
Tommy, the maleta kidnapper?!
For our Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com.
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by visiting this SHOWPAGE.