
Matindi sa tawanan ang episode na mapapanood n'yo sa award-winning sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado, July 19.
This weekend, dadating ang cousin ni Mimi (Nova Villa) na isa palang dekalibreng aktres!
Kahit ang ating bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.), tila matatakot nang ma-meet niya ang celebrity na kilala sa kanyang mga kontrabida roles lalo na bilang si Madam Sasha!
Sino sa tingin n'yo ang soap opera superstar na bibisita sa Manaloto mansion?
Wala dapat ikatakot, dahil sagot na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang good vibes sa darating na July 19 sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
RELATED CONTENT: THROWBACK PHOTOS WITH THE PEPITO MANALOTO CAST