GMA Logo Pepito Manaloto stars during the Best Time Ever media conference
What's on TV

Jake Vargas at Angel Satsumi, inilahad kung bakit relatable ang characters nila sa 'Pepito Manaloto'

By Aedrianne Acar
Published March 16, 2024 5:42 PM PHT
Updated March 16, 2024 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto stars during the Best Time Ever media conference


Ano-ano ang “best time ever” (#BestTimeEver) moments ng magkapatid na Chito (Jake Vargas) at Clarissa (Angel Satsumi) sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento'?

Napa-throwback ang mga entertainment press na dumalo sa grand media conference ng GMA Entertainment group na “Best Time Ever”campaign na ginanap sa Studio 6 ng Kapuso Network last March 15.

Sa panel interview, nakachikahan ng press ang mga bida ng flagship sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na sina Jake Vargas at Angel Satsumi.

Ginagampanan ng dalawa ang characters nina Chito at Clarissa, mga anak nina Pepito at Elsa, played by award-winning showbiz personalities na sina Michael V. at Manilyn Reynes.

Dito ibinahagi ni Angel kung bakit relatable ang character niya sa show na sinimulan niyang i-portray noong four years old pa lamang siya.

Paliwanag niya sa press, “Ang dami na po nangyari, especially sa character po ni Clarissa since meron na po siyang Jacob (John Clifford), meron ng Jacob sa buhay niya. Pero marami pa po kami ita-tackle na stories, since si Jacob po may pinagdadaanan na cancer.

“Mapapakita po namin kung paano namin haharapin 'yung mga struggles in life na nangyayari po talaga sa teens ngayon. Sa mga kabataan ngayon.”

Para naman kay Jake Vargas, sinasalamin ng role niya bilang Chito 'yung struggles na hinaharap ng mga tao na kaedad niya sa totoong buhay.

“Ang dami na po nangyari sa character ko as Chito. Actually po ngayon, ang daming nakaka-relate sa age ni Chito ngayon based on siya 'yung panganay ni Pepito,” sabi pa niya. “Ang daming pagsubok, ang daming problems kung ano dapat gawin ni Chito sa buhay niya. Ano ba dapat magiging trabaho niya, kasi 'yung tatay niya very successful.”

'Best Time Ever' campaign

Samantala, sa espesyal na video message na ipinalabas sa media conference mula sa ace comedian na si Michael V., ibinahagi ng Kapuso star kung ano nga ba ang aim ng kanilang “Best Time Ever” campaign ng GMA Entertainment group.

Ani Direk Michael, “Sa ngalan po ng lahat na bumubuo ng comedy, game, reality, showbiz talk, and infotainment unit ng GMA Entertainment group. We would like to introduce ang pinakabago naming campaign 2024. Ito po ang 'Best Time Ever.'

“Naniniwala po kami na mas masarap maexperience ang best time ng buhay natin kapag kasama natin ang pamilya, ang mga kaibigan at ang mga mahal natin sa buhay.”

Pagpapatuloy niya, “Kaya ang objective po namin ay gumawa ng mga programa na ma-e-enjoy ng buong pamilya at ng mga barkada n'yo. At kapag sama-sama pa sila nanood naku ba, 'Best Time Ever' 'yan. Dahil tandaan basta sama-sama, 'Best Time Ever.'”

Bukod sa Pepito Manaloto, lead star at pioneer din si Bitoy ng longest running gag show na Bubble Gang.

Kaya tatandaan mga Kapuso, basta sama-sama, best time ever! Huwag palagpasin ang mga comedy, game show, reality, showbiz talk, at infotainment show ng world-class team ng GMA Entertainment group!

RELATED CONTENT: KULIT MOMENTS NG CAST NG PEPITO MANALOTO