
Mas tinutukan ng nakakarami ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento last Saturday night.
Nakakuha ang award-winning comedy show ng 8.4 rating base sa datos ng NUTAM People Rating na mas mataas sa katapat nitong programa.
Millionaire at age 21!
Ganiyan ang pakilala ni Sheena (Inah Evans) sa vlogger na si Roxy (Mikoy Morales) sa episode ng Pepito Manaloto nitong April 13.
Kahit bago pa lang magkakilala, ifinelex na nito ang lalim ng kaniyang pitaka- binilhan ng bagong camera si Roxy at nagpa-pizza pa para sa empleyado ni Pepito (Michael V.) sa PM Mineral Water.
Pero itong si Vincent (Tony Lopena), 'tila may naamoy sa rich vlogger.
Tama kaya ang kutob niya na charot lang ang yaman ni Sheena?
Balikan ang episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi sa video below!
MORE FUNNY SCENES SA PEPITO MANALOTO:
For Kapuso abroad, you can watch the latest episodes on GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com