
Makakalimutin na ang ating bida milyonaryo. Paano na 'yan at may flight siya papuntang Los Angeles?
Hitik sa tawanan naman ang all-new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado ng gabi.
Ito si Pitoy (Michael V.) ay nagiging makakalimutin lately na kahit sina Elsa (Manilyn Reynes) at pati mga kasambahay nila ay napapansin na ito.
Mukhang magdudulot pa ito ng mas matinding stress kay Pitoy pagpunta ng airport nang bigla siyang harangin ng mga awtoridad dahil may nakitang baril diumano sa kaniyang luggage!
Kanino ang baril na nakita sa luggage ng mister ni Elsa?
Magawa kayang makalimutan ni Pepito ang bad experience niya na ito sa airport?
Tutukan ang masayang adventures ng Manaloto family sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong April 20 sa oras na 7:00 p.m., pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.
RELATED CONTENT: KULITAN WITH THE PEPITO MANALOTO CAST