
Karagdagang motivation para sa lahat ng bumubuo ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ang pagkilala na natanggap nila sa Asian Academy Creative Awards 2024.
Ang multi-awarded Kapuso comedy show, na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes, ay kinilala bilang national winner sa Pilipinas sa kategoryang Best Comedy Programme. Kinilala rin si Michael V. bilang Best Actor in a Comedy Role.
Sa exclusive interview ng 24 Oras, sinabi ni Michael V. na malaking bagay para sa Pepito Manaloto ang recognition mula sa Asian Academy Creative Awards.
“Tapos', nakukuha pa rin natin maka-penetrate sa market nila. Mas na-appreciate rin nila 'yung humor na ginagawa natin. Malaking bagay para sa akin at tsaka para sa show.”
Pasasalamat naman ang hatid ni Manilyn para sa bagong award na nakuha ng kanilang programa.
Aniya, “Thank you, thank you hindi lang po sa award-giving body. Kundi sa lahat ng nanonood sa amin. Magfi-fifteen years na po tayo next year.” reaksyon naman ni Manilyn Reynes sa new award nila sa sitcom.
Samantala, ngayong Sabado ng gabi, mapapasabak sa matinding training ang magkaibigang Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir) para maging Philippine Army Reservist.
Lalaban o babawi kaya ang mga mister nila Elsa (Manilyn Reynes) at Janice (Chariz Solomon) sa brutal training regimen na haharapin nila?
Tutukan ang mangyayari sa mag-BFF sa new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado, October 5, 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.