
May the best Butler win!
Sa all new-episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, mag-eenroll ang certified manloloko na si Tommy (Ronnie Henares) at Roxy (Mikoy Morales) sa isang Butler school!
Kung ang friend ni Chito (Jake Vargas ) na si Roxy (Mikoy Morales) hirap sa training na binibigay ng trainor nila na si Nika; itong si Mang Tommy nag-eexcel at mukhang magiging top of the class pa.
Keri kaya ng dalawa na ipasa ang training sa Butler school o isa sa kanila ang susuko na lang?
Sulit ang good vibes na hatid ng Manaloto family this weekend dahil makakasama natin ang celebrity guests na sina Bobby Andrews, Chiqui Hollman, at si Janelle Tee!
RELATED CONTENT: VIRAL MEMES OF TOMMY
Sundan ang unli-tawanan sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong October 26 sa oras na 6:15 p.m., pagkatapos ng 24 Oras Weekend.