
Bumuhos na naman ang pagmamahal para sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento matapos makakuha ito ng mataas na TV ratings nitong weekend.
Nakakuha ang flagship comedy show ng 8.8 percent TV rating last December 14 base sa datos ng NUTAM People Rating.
Nightmare ni Pepito (Michael V.) mangyayari in real life!
Matapos magising sa isang bangungot na may mga taong gustong pumatay sa kaniya, 'tila isang nakakakilabot na pangyayari ang mae-encounter ng bidang milyonaryo habang nasa isang malaking hardware store.
Magkakatotoo ba ang bad dream ni Pepito nang makasalubong ang dalawang lalaki sa loob ng hardware?
Balikan ang mga funny moment sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na ipinalabas noong Sabado ng gabi dito:
Para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ang latest episodes ng Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento sa GMA Pinoy TV! For more information, visit http://www.gmapinoytv.com
Puwede n'yo rin balik-balikan ang past episodes at highlights ng multi-awarded Kapuso sitcom by clicking HERE.