
Exciting ang nalalapit na summer season dahil ang multi-awarded sitcom na Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ay magdiriwang ng kanilang 15th anniversary.
Kaya naman extra special ang magiging anibersaryo ng hit Kapuso comedy program na pinagbibidahan nina Michael V. at Manilyn Reynes dahil kasabay nito ang summer special ng show.
May pasilip na ang Pepito Manaloto sa summer and anniversary episode nila at tiyak mapapa-'More Tawa, More Saya' tayo sa Saturday primetime.
Nagpost din si John Feir nang ilang behind-the-scenes na naging taping nila sa kaniyang Instagram account!
Saan kaya ang outing ng Manaloto fambam? Abangan!
Samantala, inuwi naman ng flagship comedy program ang parangal na 'Best Comedy Show' sa 38th Star Awards for television.
Nood na ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento sa oras na 7:15 p.m. tuwing Sabado pagkatapos ng Pinoy Big Brother Collab Edition.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now