
Maraming fans at netizens ang napa-throwback sa Facebook Reels kung saan tampok ang batang Clarissa Manaloto na ginagampanan ni Angel Satsumi.
Tuwang-tuwa ang mga Kapuso na makita uli ang kuha ni Angel bilang cute na anak ng bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) at misis na si Elsa (Manilyn Reynes).
Komento ng isang netizen, “ang bilis ng panahon. haysst nakakamis ang mga nakaraan.”
Nagpaliwanag naman ang isa pang fan bakit masarap manood ng Pepito Manaloto.
Aniya, “Nakakatuwa talagang panuorin itong Pepito....dyan na sila ngsitanda 😂nagsitaba nagdalaga at nagbinata khit abutin pa Ng ilang taon ayos wAlang stress laging Masaya.”
Kaya naman, mas tutukan ng mga manonood ang nalalapit na 15th anniversary special ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento!
Saan kaya ang lakad ng Manaloto family this summer?
Abangan! At para laging updated sa happenings sa Manaloto mansion, bisitahin ang showpage ng Pepito Manaloto sa GMANetwork.com.
RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' characters: Then and Now