What's on TV

Gelli de Belen, hanga sa husay ni Michael V.

By Aedrianne Acar
Published April 24, 2025 4:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gloria Romero, Nora Aunor, Emman Atienza, more celebrities who left us this 2025
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras
18-year-old student arrested in Dagupan drug bust

Article Inside Page


Showbiz News

gelli de belen


Gelli de Belen kay Michael V.: "Hindi ako surprised na director na rin siya ngayon."

Masayang ang naging experience ni Gelli de Belen nang maging parte siya ng Pepito Manaloto: 15th Kuwentoversary special this year dahil reunited siya sa dating katrabaho na si Michael V.

Sa isang exclusive interview sa kaniya, noong '90s pa niya nakaka-work ang award-winning Kapuso comedian.

Matatandaan nagkasama dati sa show na Tropang Trumpo noon sina Michael V. at Gelli.

Hindi na rin daw siya nagulat sa naging takbo ng karera ng Michael V., na bukod sa pagiging aktor ay director din ng kaniyang show.

Kuwento ng SiS host, “Nung magtrabaho kami ni Bitoy, this was mga... I wanna say 1992-1993. Nung nagtatrabaho kami noon, lahat lang kami mga artista lang, actors lang. Pero ngayon, ka-work ko siya at director siya.

“I'm not surprised, we always knew that. You know, Bitoy has always been creative and brilliant with his ideas. So, hindi ako surprised na director na rin siya ngayon.”

Pinuri rin ni Gelli si Bitoy sa kaniyang creativity at inilarawan pa niyang 'intellectual' ang atake ng comedy ng ace comedian.

Paliwanag niya, “Si Bitoy kasi he writes his own stuff, so dun pa lang alam mo talagang he is the real deal! He writes his own stuff even yung ginagawa niya sa pagkanta. When you are just talking to him, nagku-kuwentuhan lang kayo kung ano-ano 'yung lumalabas sa bibig niyan na matatawa ka.

“And hindi lang basta nag-joke lang siya, no! Medyo may pagka-intellectual pa sometimes 'yung binibitawan.

"I play golf with him sometimes habang nagla-laro kami ng golf, bigla na lang kumakanta siya kung anong ginawa niyang kanta habang nago-golf kami, tungkol sa golf. 'Yung dun mo makikita ang bilis niya naisip, he is so witty. Ang likot ng isip niya, bagay na bagay sa kaniya 'yung kaniyang trabaho.”

Source: GMA Network & YouLOL

Samantala, tingnan dito ang iba pang mga aktor na naging guest sa Pepito Manaloto: