GMA Logo Pepito Manaloto
What's on TV

'Pepito Manaloto' fans, aliw na aliw na naabutan na ni Clarissa ang height ni Chito

By Aedrianne Acar
Published May 8, 2025 4:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

High-profile drug suspect arrested in Iloilo; P6.12M alleged shabu confiscated
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City
Isay band shines as first-ever Distilled Sounds PH champion

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto


Napa-throwback ang ilang netizens at 'Pepito Manaloto' fans sa transformation ni Angel Satsumi bilang si Clarissa Manaloto.

Viral sa Facebook ang before-and after-video ng Pepito Manaloto stars na sina Jake Vargas at Angel Satsumi.

Gumaganap ang dalawa bilang sina Chito at Clarissa, mga anak ng bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) at Elsa Manaloto (Manilyn Reynes) sa hit Kapuso sitcom.

Sa naturang short clip, makikita ang pagbabago ni Angel na ngayon ay halos kapantay na sa height si Jake. May mahigit sa 4.5 million views na ang video na ito sa Facebook.

Hindi tuloy maiwasan ng fans ng Pepito Manaloto na biruin ang Kapuso actor na literal na naabutan na siya ng kanyang co-star.

Samantala, ang iba naman ay pinuri ang Pepito Manaloto sa mabubuting aral na handog nito every weekend.

Sabi ng isang netizen, “Bagay na bagay silang magkakapatid pati the whole family and they serve as an inspiration to families, from rags to riches but remained very humble lalo na si Pepito.”

Dagdag pa ng isa, “Maganda ang Pepito Manaloto. Maraming lessons in life na matututunan ng manonood. Simula umpisa ng show nanonood na kami”

Nagtapos na ang two-part summer and anniversary special ng Pepito Manaloto last May 4 kung saan nakasama ng cast sina Gelli de Belen, Robb Guinto, at si Jak Roberto.

RELATED CONTENT: 'Pepito Manaloto' star Angel Satsumi's beautiful transformation