GMA Logo Michael V at Manilyn Reynes in Pepito Manaloto
What's on TV

Michael V. at Manilyn Reynes, at home sa bahay nila sa 'Pepito Manaloto'

By Aaron Brennt Eusebio
Published May 31, 2025 6:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Japan proposes record budget spending while curbing fresh debt
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V at Manilyn Reynes in Pepito Manaloto


Ngayong 15 taon nang umeere ang 'Pepito Manaloto,' ano pa kaya ang dapat abangan ng mga manonood nito?

Labindalawang taon nang nagte-taping sa iisang bahay sina Michael V. at Manilyn Reynes na gumaganap bilang Pepito at Elsa sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.

Kuwento nina Michael at Manilyn, at home na sila sa lugar na pinagtatrabahuhan nila.

Pahayag ni Manilyn, "Para talagang umuuwi ka sa bahay mo. 'Yung tuwing Huwebes, nasa bahay ka."

Dagdag ni Bitoy, "Galing ka sa bahay mo, pupunta ka sa bahay mo. Pagkagaling mo sa bahay mo, uuwi ka na sa bahay mo."

Pagseseryoso, sinabi ni Michael na integral part na ng kuwento nina Pepito at Elsa at ng programa ang bahay kung saan sila nagte-taping.

Aniya, "This house plays an integral part sa show. Isa na siya sa mga featured characters dito sa show."

Ngayong nagdiriwang ang Pepito Manaloto ng kanilang ika-15 na anibersaryo, marami pa ang dapat abangan sa kanilang programa.

Patikim ni Bitoy, "Itong mga character kasi na 'to, nagde-develop pa rin. Siyempre umeedad, hindi lang kami, pati 'yung mga bata umeedad kaya siyempre, i-expect mo na may mangyayari sa kanya."

Dagdag ni Manilyn, "Ano ba ang nangyayari sa mga anak kapag sila ay nagkaka-edad na? Sila ba ay nag-aasawa? Nagkaka-anak?"

RELATED GALLERY: Transformation of Kapuso child wonder Angel Satsumi

Sa likod ng kamera, nagpapakamagulang rin sina Bitoy at Manilyn kina Jake Vargas at Angel Satsumi, ang gumaganap na anak nina Pepito at Elsa na sina Chito at Clarissa.

Kuwento ni Michael, "Recently, si Jake, na-aksidente 'yung bata, hindi naman siya humingi, 'yun 'yung mas masakit sa amin, ayaw magsabi, e. Kami, basta ganyan, always open naman kami kapag puwedeng may maitulong."

Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:

Patuloy na panoorin ang Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.