'Caloy, my friend' memes, patok online

Wala kang patawad, Tommy Diones (Ronnie Henares)!
Kinaaliwan online ang mga meme kung saan tampok ang karakter na ginagampanan ni Direk Ronnie Henares sa Pepito Manaloto at ang double gold medalist na si Carlos "Caloy" Yulo.
Inukit ni Caloy ang pangalan niya sa kasaysayan nang mag-uwi siya ng dalawang gintong medalya sa men's floor exercise event at men's vault finals sa Paris 2024 Olympics.
Kaakibat ng tagumpay nito, sunod-sunod na nag-pledge ang ilang malalaking kumpanya ng premyo o incentive kay Carlos Yulo sa karangalan na ibinigay nito sa bansa.
Base rin sa nakasaad sa Republic Act 10699 (National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act), makakatanggap si Caloy ng hindi baba na PhP 10 million dahil sa pagkapanalo niya ng gold sa Olympics.
Kaya naman, hirit ng ilan, mukhang may bago ng BFF ang "golden mangungutang" sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento na si Tommy.
Heto ang ilan sa viral memes at reaksyon ng netizens sa Caloy at Tommy Diones memes sa gallery below.










