
Todo ang pag-aalaga ng plantita na si Elsa (Manilyn Reynes) sa kaniyang special na Hakura plant na nagkakahalaga ng PHP 200,000.
Excited na rin siya na makita ito na mamulaklak, dahil minsan lang ito sa isang taon mangyari.
Kaya hirap na hirap iwanan ng misis ni Pepito (Michael V.) ang one-of-a-kind plant na ito. Nang mapapayag siya ng kapitbahay na si Mimi (Nova Villa) na mag-shopping, inutusan niya si Chito (Jake Vargas) na bantayan mabuti ito.
Sa pagbabalik kaya ni Elsa sa mansyon, makita na kaya niya ang inaasam-asam na pamumulaklak ng Hakura plant o isang aberya ang maabutan niya?
Samantala, bukod sa pagta-trabaho nagagawa din ng mga empleyado ni Pitoy sa PM Mineral Water na magkaroon ng bonding time at i-celebrate ang kaarawan ng kanilang kasamahan.
At kumpleto ang event, dahil may bonggang pa-raffle!
Ma-enjoy kaya ng BFF ni Pepito na si Patrick (John Feir) ang treatment na makukuha sa napalanunan niyang gift certificate sa isang spa o magulat siya sa special treatment na matatanggap niya?
Good times at great laughs ang naghihintay sa inyo mga Kapuso, kapag tumutok sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa oras na 6:15 p.m. bukas June 25.