GMA Logo Pepito Manaloto best parents on TV
What's on TV

Pepito Manaloto at Elsa, kinilala ng mga netizens bilang best parents on TV

By Kristian Eric Javier
Published September 5, 2022 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Picture-perfect Taichung: Four popular attractions where heritage, art, and nature meet
Man nabbed for blackmailing ex-girlfriend in Davao City
Japanese sushi chain pays $3.2 million for tuna at auction

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto best parents on TV


Alamin kung bakit tinaguriang best parents on TV sina Pepito at Elsa Manaloto!

Viral ang isang clip galing sa episode ng Pepito Manaloto kung saan tinaguriang best parents on TV and mga karakter na si Pepito at Elsa Manaloto nang ipakita nila ang suporta sa anak na si Chito.

Sa nakaraang episode ng Pepito Manaloto noong Sabado, nalaman ni Elsa (Manilyn Reynes) at Clarissa (Angel Satsumi) na nagtatrabaho ang anak at kapatid nilang si Chito (Jake Vargas) sa iang fastfood bilang isang crew member.

Ayon kay Chito, nahihiya raw siya dahil wala pa rin siyang makitang trabaho kahit matagal na siyang naghahanap.

Sinabi naman ni Pepito (Michael V.) na hindi niya dapat ikahiya ang trabaho niya.

“Marangal yang trabaho mo a. Hangga't di ka nag nanakaw, di ka nananakit ng kapwa, dapat hindi mo kinakahiya yan,” aniya.

Sinabi rin ni Elsa na kahit ano pa ang maging trabaho ng anak ay dapat ipagmalaki niya ito.

Marami rin ang nagkomento na tama ang ginawa ng mag-asawang Manaloto na suportahan ang anak nila. Meron din ilang nagkomento na naa-appreciate nila yung mga magulang na nagpapakita ng suporta sa mga anak nila, tulad ng ginawa nila Pepito at Elsa.

May mga ilang netizens din na nagkuwento kung papano sila naiyak sa episode at nagsabi na na-inspire sila. Ang iba naman ay nagpasalamat din dahil tinuruan daw sila ng palabas na pahalagahan ang trabaho nila bilang isang service crew.

Ang ilan naman sa mga komento ay tungkol sa kung papano sila nakaka-relate kay Chito sa hirap ng pag hahanap ng trabaho.

SAMANTALA, TINGNAN ANG BONDING MOMENTS NG PEPITO MANALOTO: ANG UNANG KUWENTO CAST DITO: