
May makikilala tayong new member ng Kho family this Saturday night sa Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Nagtataka si Berta (Jen Rosendahl) kung bakit ayaw sagutin ni Mimi Kho (Nova Villa), ang tawag ng balikbayang niece nito na si Mekmek (Rufa Mae Quinto).
Ano kaya ang nangyari at nanlamig ang pakikitungo ni Mimi kay Mekmek?
At ang mag-BFF na sina Pepito (Michael V.) at Patrick (John Feir), may boys night out kasama ang kababata nila sa Caniogan na si Edilberto.
Maging memorable kaya ang reunion o maging source lang ito ng stress para sa ating bidang milyonaryo?
Sulitin ang Saturday night bonding with the whole family sa panonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento this November 5 sa oras na 6:15 p.m., after 24 Oras Weekend and before Running Man Philippines.
ICONIC TRAITS OF YOUR FAVORITE PEPITO MANALOTO CHARACTERS: