GMA Logo Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento
What's on TV

Pepito Manaloto: Pepito, bistado sa pagtataksil!

By Aedrianne Acar
Published December 7, 2022 1:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sino si Dr. Reginald Santos, ang asawa ni Carla Abellana? | GMA Integrated Newsfeed
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento


Pepito (Michael V.), mayroong 'My Husband's Lover' moment sa 'Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento' ngayong December 10! Totoo kayang may relasyon sila ni Alex?

Damay sa away mag-asawa ang bida nating milyonaryo na si Pepito (Michael V.) sa episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento ngayong Sabado.

Bantay-sarado ang asawa ni Alex sa kaniya dahil sa history nito na pagiging babaero.

Kahit si Pitoy ay nalalagay sa alanganin dahil nakabantay ang misis ni Alex sa kaniya.

Mas lalong lumala ang gulo nang biglang umamin ang client ni Pepito na siya raw ang karelasyon nito!

Ano ang mangyayari kapag nalaman ni Elsa (Manilyn Reynes) ang revelation ni Alex?

Samantala, may crush si Chito (Jake Vargas) sa kapitbahay nila na si Amber (Roxie Smith) na mula Amerika.

Makaporma naman kaya si Chito sa balikbayan beauty kahit hindi siya ganun ka-confident magsalita in English?

Mas masaya ang bonding with the whole family kung manonood ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento tuwing Sabado sa oras na 6:15 p.m., after 24 Oras Weekend.

TINGNAN ANG KULIT THROWBACK PHOTOS WITH THE CAST OF PEPITO MANALOTO: