
May unique na regalong matatanggap si Pepito Manaloto (Michael V.) mula kay Elsa (Manilyn Reynes) sa upcoming episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.
Para extra special ang surprise niya ngayong Valentine's Day, nagpagawa ng wooden puzzle si Elsa sa isang toy maker- laman nito ang sorpresa niya para sa mister.
Confident ang ating bidang milyonaryo na maso-solve niya ang puzzle, kaso napupuyat na siya kakaisip kung paano ito mabubuksan.
Para hindi malaman ni Elsa, ipapa-solve ni Pitoy sa mga empleyado niya sa PM Mineral Water ang custom-made wooden puzzle.
Isa kaya sa kanila ang may talino at diskarte para mabuksan ito?
Walang iwanan at sama-samang manood with the whole family ng new episode ng Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento, February 18 sa oras na 7:00 p.m..
Mae-enjoy n'yo rin ang adventure ng Manaloto family sa Pinoy Hits sa Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.
COOL THROWBACK PHOTOS FEATURING THE CAST OF PEPITO MANALOTO: