GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
What's on TV

'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition' pilot episode trends online

By EJ Chua
Published March 10, 2025 11:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Talaga namang pasabog ang premiere ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'

Patuloy na pinag-uusapan online ang katatapos lang na pilot episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Napuno ng sorpresa at pasabog ang Bahay Ni Kuya sa muling pagbubukas nito para sa bagong season.

Isa sa naging usap-usapan sa social media ay ang performance nina Julie Anne San Jose at Darren Espanto, kung saan ibinida nila ang bagong version ng Pinoy Big Brother theme song na "Sikat ang Pinoy."

Bukod dito, nag-viral din ang unang pagsasama ng hosts at ang pagpapakilala sa Kapuso at Kapamilya housemates.

Nakapasok na sa iconic house ang Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, at Mika Salamanca.

Kasunod nito, nakatagpo na ng Sparkle stars ang Star Magic artists na sina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Leon, Kira Balinger.

Isa pa sa naging topic ng fans at netizens online ay ang pagpasok din ni Ivana Alawi sa Bahay ni Kuya bilang kauna-unahang house guest.

Huwag palampasin ang susunod na mangyayari sa pinakabagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.

Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.