Bahay ni Kuya, now open for 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'

The wait is finally over, dahil bukas na ang Bahay ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakapasok na sa iconic house ang Sparkle at Star Magic artists na mapapanood bilang housemates para sa bagong season ng teleserye.
RELATED CONTENT: Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition: Pasilip sa Kapuso at Kapamilya Celebrity Housemates
Ini-reveal na kung sinu-sino sila nitong Linggo, March 9, sa premiere ng programa na talaga namang inabangan ng Pinoy viewers.
Opisyal nang ipinakilala bilang housemates ang Kapuso at Sparkle stars na sina Michael Sager, Ashley Ortega, AZ Martinez, Will Ashley, Josh Ford, Charlie Fleming, Dustin Yu, at Mika Salamanca.
Kasama nila sa loob ng Bahay ni Kuya ang Kapamilya at Star Magic artists na sina AC Bonifacio, Esnyr, Brent Manalo, Klarisse De Guzman, River Joseph, Ralph De Leon, at Kira Balinger.
Makakasama rin nila ang viral content creator at aktres na si Ivana Alawi bilang house guest.
Ano kaya ang mangyayari sa paninirahan nila sa ilalim ng iisang bubong?
Huwag palampasin ang non-stop na sorpresa ni Kuya sa pinakabagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Meet the Kapuso and Kapamilya hosts of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'







