Ashley Ortega's best moments inside the PBB house

Isa si Ashley Ortega sa Kapuso stars na napabilang sa makasaysayang Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition, kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama sa Bahay ni Kuya ang Kapuso at Kapamilya artists.
Noong Sabado (March 29) sa first eviction night, nagpaalam na ang duo nina Ashley Ortega at AC Bonifacio matapos na makakuha ng pinakamababang boto.
Sa paglabas sa Bahay ni Kuya, ipinarating ni Ashley ang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nagmahal sa kanya.
"Sa lahat po ng supporters ko at nagmamahal sa akin sa PBB, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat... I hope I get to inspire a lot of people."
Balikan ang ilan sa best moments ni Ashley Ortega, ang Independent Tis-Ice Princess ng San Juan, sa loob ng Bahay ni Kuya sa gallery na ito:









