GMA Logo pinoy hits channel
What's on TV

Present at past shows ng GMA, mapapanood sa bagong channel na 'Pinoy Hits'

By Jansen Ramos
Published January 5, 2023 12:27 PM PHT
Updated January 5, 2023 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

pinoy hits channel


Ilulunsad ang 'Pinoy Hits' sa January 16 at mapapanood ito sa Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.

Ilulunsad na ng GMA ang pinakabago nitong digital channel na Pinoy Hits na mapapanood sa Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now simula January 16.

Mapapanood dito ang ilang classic Kapuso shows at iba pang top-rating programs ng GMA.

agkakaroon ng simulcast sa Pinoy Hits ang mga kasalukuyang ipinapalabas na daily newscast sa GMA at GTV gaya ng Unang Hirit, Dobol B TV, Regional TV News, Balitanghali, Dapat Alam Mo!, 24 Oras, at Saksi.

Ipalalabas din sa bagong channel ang mga pinag-uusapang drama sa GMA Afternoon Prime na Abot-Kamay Na Pangarap at Unica Hija, at ang new series na Underage kasabay ng pag-ere ng mga ito sa GMA 7.

Ang must-watch GMA Telebabad series na Maria Clara at Ibarra, mas marami na ngayong makakapanood dahil magiging available na rin ito sa Pinoy Hits, gayundin ang bagong primetime series na Luv Is.

Tuwing Biyernes naman, laughtrip ang handog ng Pinoy Hits dahil mapapanood din dito ang Bubble Gang via simulcast airing sa GMA. Kasunod nito ay ang replay ng award-winning Kapuso documentary show na I-Witness.

Pagpatak ng weekend, may simulcast sa Pinoy Hits ang 24 Oras Weekend, at news magazine shows at informative programs ng GMA Public Affairs na Kapuso Mo, Jessica Soho, Imbestigador, Good News, Brigada, Ang Pinaka, Pera Paraan, AHA, at Born To Be Wild (with replays every Saturday). Kasama na rin sa listahan ang drama anthologies na Tadhana at Wish Ko Lang.

Samantala, may replay naman sa bagong digital channel ang Pinas Sarap at Reporter's Notebook tuwing Linggo.

May simulcast din sa Pinoy Hits tuwing weekend ang GMA Entertainment Group programs na Sarap, 'Di Ba?, iBilib, Pepito Manaloto, All-Out Sundays, Daig Kayo Ng Lola Ko (with replays on weekdays), The Boobay and Tekla Show, at Telesine Presents (with replays every Saturday).

May replay naman tuwing Linggo ang Farm To Table at ang Timeless Telesine ng I Heart Movies na digital channel din na mapapanood sa GMA Affordabox.

Ang mga minahal na programa ng GMA at GMA News TV noon, muling bubuhayin dahil ipapalabas ang mga ito via Pinoy Hits.

Kabilang na riyan ang mga teleseryeng Sherlock, Jr., Dwarfina, Pyra: Babaeng Apoy, Buena Familia, Kakambal Ni Eliana, Because Of You, Dading, at drama romance anthology na Wagas.

Kung katatawanan ang pag-uusapan, may rerun tuwing Linggo ang comedy anthology na Dear Uge, sitcom na Ismol Family, at comedy reality show na Day-Off.

Layon ng Pinoy Hits na maghatid ng entertainment sa mas malawak na audience kaya naman maging ang mga child-friendly programs for both kids and kids-at-heart gaya ng Art Angel, Alamat, at Mahiwagang Baul ay ipapalabas muli sa pamamagitan ng nasabing digital channel.

Para naman sa foodies, mapapanood ang mga dating Kapuso lifestyle show na Taste Buddies at Pop Talk sa Pinoy Hits.

Kung nais mo naman balikan ang mga makabuluhang dokumentaryo tungkol sa mga Pilipino sa loob at labas ng bansa, matutunghayan iyan sa rerun ng Reel Time.

Ang Pinoy Hits ay mapapanood din sa iba pang digital TV boxes.