
Nagpakitang-gilas hindi lamang sa pagkanta ngunit pati sa pagkasa sa mga TikTok challenge ang StarStruck alumni na sina Lexi Gonzales at Shayne Sava.
Sina Lexi at Shayne ang special guests sa Playlist Live nitong Sabado, June 20.
Ipinakita ng dalawang batang aktres ang kanilang husay sa pagkanta.
Nagbalik-tanaw din sila sa kanilang ginawang challenges sa StarStruck at pati na sa kanilang mga naging karanasan matapos magwagi sa original artista search ng Kapuso network.
Maliban sa kanilang pagto-throwback, kumasa rin sina Lexi at Shayne sa mga nakakatuwang TikTok challenge.
Panooorin ang kanilang buong GMA Playlist Live dito:
Sina Lexi at Shayne ay parehong nagmula sa StarStruck Season 7. Si Lexi ang kinilalang First Princess habang si Shayne ang nagtagumpay bilang Ultimate Female Survivor.
IN PHOTOS: The stunning young ladies of StarStruck 7