
Pinatunayan ng netizens na hindi na sila makapaghintay sa pinakabagong serye ng GMA na 'Prima Donnas.'
LOOK: Netizens, inaabangan na ang 'Prima Donnas'
Sa katunayan, may mahigit 100,000 views na ang pangalawang teaser ng 'Prima Donnas' na in-upload noong July 22.
Pinagbibidahan nina Kapuso tween stars Jillian Ward, Althea Ablan, at Sofia Pablo ang 'Prima Donnas' kung saan gagampanan nila ang triplets na sina Donna Marie, Donna Belle, at Donna Lyn.
IN PHOTOS: Get to know Kapuso tween actress Althea Ablan
IN PHOTOS: Get to know Kapuso tween actress Sofia Pablo
Makakasama rin nila rito ang mga de kalibreng artista tulad nina Katrina Halili, Wendell Ramos, Aiko Melendez, Chanda Romero, at Benjie Paras.
Kasama rin sa 'Prima Donnas' ang isa pang tween star na si Elijah Alejo at may special participation naman ang award-winning actress na si Glaiza de Castro.
Abangan ang 'Prima Donnas' ngayong Agosto sa GMA Afternoon Prime.