What's on TV

'Prima Donnas' star Elijah Alejo, inaming na-starstruck siya kay Glaiza de Castro

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 22, 2019 7:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi man sila nagkaroon ng eksena, nagkasama naman daw sina Elijah Alejo at Glaiza de Castro sa standby area ng 'Prima Donnas.'

Hindi nagkaroon ng pagkakataon ang Kapuso tween star na si Elijah Alejo na magkaroon ng scene kasama ang award-winning actress na si Glaiza de Castro, pero nagkasama naman sila sa standby area ng Prima Donnas.

Elijah Alejo
Elijah Alejo

May special participation si Glaiza sa Prima Donnas bilang si Maita, ang biological mother ng tatlong Donnas.

"Idol ko po siya kaya nung nakita ko po siya, 'Hala! Andito si Ms. Glaiza," kuwento ni Elijah.

Dagdag ni Elijah, iniidolo niya si Glaiza dahil sa galing nito sa pag-iyak at pagiging kontrabida.

Kontrabida ang karakter ni Elijah sa Prima Donnas na si Brianna.

"In-idolize ko po siya dahil po ang galing niya po umakting," ani Elijah.

"Ang galing niya po magkontrabida, ang galing niya rin pong umiyak, kumbaga po lahat po kaya niya."

A post shared by Elijah Christian Alejo🎀 (@elijahalejo) on

Panoorin si Elijah sa Prima Donnas araw-araw sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko.