
Inamin ni Prima Donnas star Althea Ablan ang kanyang ideal man.
Sa video na Prima Donnas slambook, sinabi ni Althea na ang kanyang tipo ng lalaki ay maunawain, matangkad, at mas matanda sa kanya.
READ: Netizen, humingi na ng tulong sa 'KMJS' para sa DNA test ng 'Prima Donnas!'
"Una sa lahat iniintindi ako, pagdating sa height matangkad, at medyo mas matanda sa akin," saad ni Althea.
"Gusto ko kasi mas matanda kasi mas may alam siya sa akin."
Tinanong din si Althea kung sino ang kanyang first kiss.
Sino nga ba, Althea? Alamin ang sagot sa online exclusive na ito:
Tuloy-tuloy na panoorin si Althea sa number one afternoon drama na Prima Donnas, weekdays sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Magkaagaw.