What's on TV

Will Ashley, 'Jojowain o Totropahin' si Jillian Ward?

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 17, 2020 1:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Will Ashley, 'Jojowain o Totropahin' ba ang kanyang 'Prima Donnas' co-star na si Jillian Ward?

Kumasa sa nauusong 'Jojowain o Totropahin' challenge ang teen stars ng top-rated afternoon drama na Prima Donnas na sina Will Ashley, Althea Ablan, Elijah Alejo, at Miggs Cuaderno.

Will Ashley
Will Ashley


Tanong nina Althea, Elijah, at Miggs kay Will kung jojowain o totropahin ba nito ang co-star nilang si Jillian Ward.

"Jojowain. Kasi si Jill, nakikita ko sa kanya na pag naging girlfriend ko siya, aalagaan ka niya, mamahalin ka nang buo, tsaka 'yung loyalty, ganun, nandun," pag-amin ni Will.

Dagdag niya, "Matagal na rin kaming magkakilala ni Jillian so jojowain ko siya."

Tanong naman ni Althea kay Elijah kung jojowain o totropahin nito ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si JD Domagoso.

IN PHOTOS: Isko Moreno's equally handsome son, Joaquin Domagoso

Sagot ni Elijah, "Jojowain. Kasi para sa akin, boyfriend material siya.

"Alam mo 'yung pang Wattpad? Hindi, 'yung ugali niya, 'yung personality niya pang-Wattpad."

Ginantihan naman nina Will at Elijah si Althea kung jojowain o totropahin niya ang isa rin nilang co-star sa Prima Donnas na si Julius Miguel.

Sagot ni Althea, "Ano, parang 50-50 kasi may times na nakakaakit siya, may times na nakaka-turn off 'yung ginagawa niya."

Para kay Miggs naman, tinanong siya kung jojowain o totropahin niya si Mona Alawi, na kilala dati bilang Mona Louise Rey.

Ano kaya ang sagot ni Miggs? Panoorin ang latest vlog ni Will:


Mapapanood sina Althea, Elijah, Will, at Miggs sa top-rated afternoon soap ng GMA na Prima Donnas, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime.

Kung may na-miss na episode, puwede na rin mag-catch up ng full episodes ng Prima Donnas sa GMANetwork.com o sa GMA Network App na available sa Apple Store at Google Play.